Dahil hina-hunting sila ng mga tao para kainin, tila natuto na raw ang ilang buwaya sa Brazil na magtago sa mga basura sa ilog.
Sa isang ulat ng GMA News "24 Oras Weekend," makikita ang ilang buwaya o caiman, na nakahalo sa mga basurang lumulutang sa ilog.
Sa unang tingin, hindi kaagad mahahalata na mayroong buwaya na kasama sa mga basura.
Nagbabala ng isang biologist na delikadong kainin ang mga buwaya dahil sa posibleng toxins na nasa katawan nila.
Nagkasa na rin umano ng operasyon ang pamahalaan laban sa illegal hunting ng mga buwaya.-- FRJ, GMA Integrated News