LUCBAN, Quezon - Muling nagliwanag ang tahanan ng pamilya Esperanza sa bayan ng Lucban, Quezon.
Ngayong Linggo ay kanila nang binuksan at ipinakita sa publiko ang magarbong Christmas decorations ng kanilang tahanan na kanilang ginagawa taon-taon tuwing kapaskuhan.
Lahat ng sulok ng labas ng kanilang tahanan ay pinuno ng Christmas lights. Mayroon ding replika ng Eiffel Tower sa bubong ng bahay.
May life-sized na toy soldiers at siyempre hindi mawawala si Santa Claus.
Kakabukas pa lang ng mga pailaw subalit maraming tao na ang dumadagsa upang makita ang ganda ng mga palamuti at pailaw.
Ayon sa pamilya Esperanza, nais raw nilang magbigay ng kasiyahan sa mga tao sa kabila ng mga problemang nararanasan tulad ng pandemya.
Sa mga susunod na araw daw ay mamamahagi sila ng pamaskong regalo sa kanilang mga kababayan. —KG, GMA News