Ang pagkain na malinamnam, kaya pa raw pasarapin lalo ng naimbentong computerized chopsticks sa Japan.
Kaya raw ng kakaibang chopsticks na ma-enhance ang maalat na lasa sa pagkain.
Makatutulong daw ito sa mga tao na kailangan na bawasan ang sodium sa kanilang diet.
Ang nasabing chopsticks ay dinevelop ng Kirin Holdings Co. at ni Meiji University professor Homei Miyashita. Gumagamit ito ng electrical stimulation at isang mini-computer na sinusuot gamit ang wristband.
Nagbibigay ng mahinang electrical current ang device upang mag-transmit ng sodium ions mula sa pagkain papunta sa bibig ng kumakain at malalasahan nito ang alat.
Ayon kay Miyashita nae-enhance ang alat ng pagkain ng 1.5 beses. --FRJ, GMA News