Doble na ang pakinabang ng mantika sa Australia dahil matapos itong gamitin sa pagluluto, maaari na rin itong gamitin para patakbuhin ang electric cars.
Sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing posible ito sa pamamagitan ng Biofil chargers.
Nakakonekta ang off the shelf charger sa isang diesel generator na gumagana gamit ang mantika, na siyang gagamitin sa pag-recharge ng electric cars.
Sinabi ng developer ng Biofil chargers na kaya nitong magkarga ng kuryente sa loob lamang ng isang oras.
Bukod dito, malaking tulong din ang pagresiklo ng mantika para sa kalikasan at mura pa.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News