Isang negosyanteng Chinese ang nasawi matapos pagbabarilin sa ulo habang kumakain sa isang canteen sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Martes, sinabing nagtamo ang dayuhan ng pitong tama ng bala sa ulo, ayon sa pulisya.
Agad tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.
Inaalam pa ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.
Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.
— Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News