Laking gulat ng isang pamilya sa Bani, Pangasinan nang mapansin nilang may makintab na tila pinong ginto o gold dust sa tubig na nagmumula sa kanilang balon.
Disyembre 2020 nang ipagawa nina Michael Camba ang sementadong balon na may lalim na 20 talampakan.
Hanggang sa isang araw, may napansin silang makintab na mga butil sa ilalim ng drum na pinag-imbakan ng tubig na nanggaling sa balon.
Sinimulan nilang salain at ipunin ang pinaniniwalaan nilang gold dust. At sa loob ng ilang araw, halos isang kutsara na ang dami nito.
Pero bago pa nito, may napapanaginipan na raw si Michael na kumikinang na malapit sa kanilang bahay.
Gold dush na ba ang nakahalo sa tubig na galing sa balon? Alamin ang kasagutan sa ginawang pagsusuri ng mga eksperto sa video ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News