Sa halip na sa paaralan, sa ospital napunta ang isang batang lalaki na 10-taong-gulang matapos matusok ng bakal ang kaliwang talukap ng kaniyang mata sa Cebu City.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Miyerkoles, sinabi ni Edwin Dionio Jr., residente, na nadinig na lang niyang umiiyak ang biktima.

"Tinanong ko  ang bata kung saan siya galing. Papunta siya sa paaralan. Parang bigla na lang umanong natusok ang kaniyang mata," kuwento niya.

Dinala sa ospital ang bata habang nakatusok sa kaniyang talukap ang naturang bakal, na ginagamit umanong pangsuporta sa nakalaylay na mga kawad ng kuryente.

Inaalam pa kung papaano tumusok ang bakal sa mata ng bata.

Nangako ang Cebu City Department of Social Welfare Services na tutulungan ang bata sa pagpapagamot. —FRJ, GMA Integrated News