Patay ang isang lalaki matapos siyang barilin umano sa ulo ng kaniyang kainuman sa isang bar sa Calasiao, Pangasinan.

Sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Balitanghali itong Martes, sinabing naganap ang insidente nitong Sabado.

Narekober ng mga awtoridad ang ginamit na baril sa krimen na isang improvised pistol.

Patuloy na inaalam ang motibo sa krimen. — Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News