Inanunsyo ni Tom Rodriguez na isa na siyang tatay sa isang baby boy.
Ito ang kaniyang inilahad nang makapanayam ni Nelson Canlas ng GMA Integrated News, na pinost (post) ang bahagi ng interview sa Instagram.
"I feel great. He's my greatest source of inspiration," sabi ni Tom tungkol sa kaniyang anak.
Ayon kay Tom, hindi niya naman ganap na itinatago ang tungkol sa pagkakaroon ng anak, at sasagot naman kung may magtanong.
"I never hid naman talaga eh, I don't want to do that, but I just really wanted to keep it for myself. If someone wanted to ask or kapag nasa work ako, I happily share," sabi niya.
Korben ang pangalan ng baby boy ni Tom, na apat na buwang gulang ngayon. Ayon sa kaniya, anagram ito ng salitang "broken."
"'Cause David's covenant with the Lord was his broken soul and he brought it back to him, parang binuo niya uli, so Korben is an anagram for broken," paliwanag ng aktor. — Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News