Buhay, nakatatayo at nakakainom ng gatas ang isang pambihirang baka na isinilang sa Lazec, North Macedonia na dalawang mukha.
Sa ulat ng Reuters, sinabing magkadikit ang bungo ng baka, dalawa ang mukha, dalawang pares ng mata, dalawa ang bibig at dalawa ang taenga.
Sa video, makikita na tila hirap maglakad ang baka na dulot marahil ng dalawang pares ng mata niya pero nakakatayo ang hayop at sumususo ng gatas.
Ayon may-ari ng baka na si Vasco Petrovski, agad siyang tumawag ng beterinaryo nang makita niya ang kakaibang hitsura ng baka na isinilang ng kaniyang alaga.
"Early in the morning, we heard that the cow was about to deliver. When she delivered, we saw that the calf was rather extraordinary, with two heads," kuwento niya.
"We immediately called the veterinarian, he came and said it was a very natural phenomenon. The calf is functioning normally. I will keep it as long as it is alive, no matter how long that takes. We will do everything to ensure this," dagdag pa niya.
Ilang kaso na rin ng bakang isinilang na dalawa ang mukha ang naitala sa Pilipinas pero agad na namamatay ang mga ito.
Noong nakaraang taon, isinilang sa Kumalarang, Zamboanga del Sur ang baka na bukod sa dalawa ang ulo, ay dalawa rin ang ari nito, apat ang mata at tatlo ang tenga.
Pero namatay din kaagad ang hayop.
Noong 2019, mistulang gagamba naman ang hitsura ng baka na isinilang sa Zamboanga City dahil sa walo ang paa nito at dalawa ang ulo. --FRJ, GMA News