Ngayong Semana Santa, mas patok na kainin ang mga lamang-dagat tulad ng mga shellfish. Alam ba ninyo kung saan makikita ang ilan sa mga "dambuhalang" shellfish na tulad ng binga o laga?
Ang binga o laga ay tila malaking suso na umaabot sa mahigit isang kilo ang bigat at haba na hanggang 12 pulgada.
Mayroon ding mga giant talaba na umaabot ng 10 pulgada ang haba, o halos kasinglaki ng platito.
Hindi naman nagpapahuli ang mga wasay-wasay na shellfish na kalahi ng talaba pero tila palakol ang porma.
Tunghayan ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" at alamin kung saan makikita ang mga giant shellfish na ito at ano mga sustensiyang kaya nilang ibigay sa katawan. Panoorin.
--FRJ, GMA News