Nag-viral ang video ng isang Royal Albatross na tumambling nang lumapag ito sa damuhan sa isang nature reserve sa New Zealand.
Sa tweet ng Reuters news service, kitang-kita sa video ang pagsemplang ng ibon .
Hilong-hilo man ang Abatross nang makatayo ito, ngunit sumikat naman siya sa social media nang hindi binabalak at inaasahan.
Video of an albatross faceplanting while landing garners thousands of views on social media https://t.co/8hauWAcSP0 pic.twitter.com/MMEYE9VUGa
— Reuters (@Reuters) March 10, 2021
Ayon sa post ng Reuters, nakunan ang "face landing" ng ibon sa Taiaroa Head Nature Reserve Dunedin sa South Island ng New Zealand.
Dagdag ng Reuters, madali lamang talaga umano sa isang Albatross ang pag-take off, pero kadalasan prolema nito ang pag-landing.
Umani na ng mahigit 660,000 views and video mula nang mai-post ito noong Sabado, ayon sa Reuters. —LBG, GMA News