Sa panahong ito ng COVID-19 pandemic, ipinapayo ng mga eksperto na dapat laging maghugas ng kamay. Pero ang isang bata sa Nueva Ecija, maya't maya itong ginagawa kaya namamatay na ang kuko niya at nagsusugat-sugat ang kamay. Ano nga bang kondisyon mayroon siya?
Ayon sa ina ng siyam na taong gulang na bata na itinago sa pangalang "Lucas," bago pa man magkaroon ng pandemic ay naging ugali na ng bata ang laging maghugas ng paa at kamay.
Mula sa pagkagising hanggang sa pagtulog ay paulit-ulit itong ginagawa ng bata.
Pag-amin ni Lucas, hindi niya mabiling kung ilang beses siya kung maghugay ng paa at kamay sa isang araw.
Sabi ng ina ni Lucas, kahit ang pinaghugasan ng bigas ay pinanghuhugas ng kaniyang anak.
Paliwanag ng bata, nakararamdam siya ng ginhawa kapag naghuhugas siya.
Gayunman, nangangamba siya sa posibleng masamang mangyari sa kaniyang mga kamay at paa. Naging dahilan na rin ang kaniyang "kondisyon" para ma-bully at matigil sa pag-aaral.
Dahil naman sa kawalan ng pera, hindi na maipasuri sa duktor si Lucas.
Kaya naman sinamahan ng team ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" si Lucas para maipasuri ang kalagayan ng kaniyang mga paa at kamay na laging nababasa para magamot.
Ipinakonsulta na rin si Lucas sa isang psychiatrist para alamin kung ano ang kondisyon ng bata at bakit lagi niyang ginagawa ang paghuhugas ng paa at kamay.
Alamin sa video kung ano ang kondisyon ni Lucas at kung may lunas ba ito. Panoorin.
--FRJ, GMA News