Ilang kalalakihan ang sinusuong ang madidilim na kuweba sa Bohol hindi para mamasyal kung hindi maghanap na kakaibang "kayamanan." Ito ay ang mga lumang bote ng serbesa na ang halaga ay aabot daw ng mula P2,000 hanggang P30,000 bawat isa.
Ang mga naturang serbesa ay bote ng sinaunang beer sa bansa na kung tawagin ay "Halili." Pero bakit nga ba napakamahal ng boteng ito ay binibili ng mga kolektor kahit ang iba ay may basag na.
Tunghayan ang istoryang ito at alamin kung bakit may mga bote ng alak na natatagpuan sa ilang kuweba sa Bohol. Panoorin.
--FRJ, GMA News