"Best time of my life." Ganito inilarawan ni Arci Muñoz ang panahon na magkarelasyon sila ng anak ng prinsipe ng Brunei.
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, pumayag si Arci na balikan at pag-usapan ang panahon na nagkaroon siya ng nobyong maituturing na may "royal" blood.
"He is such a great guy," sabi pa ni Arci tungkol sa ex-borfriend. “It’s simple yet luxurious at the same time because this person is so simple. Yet with his estado niya sa life, wala, hindi niya—he doesn’t really use that. He’s so down to earth.”
Sabi pa ni Arci, “He makes me feel like a queen. He’s a nice guy.”
Dahil wala na silang komunikasyon, hindi alam ni Arci kung single pa ba o hindi na ang dating nobyo.
Ayon pa kay Arci, may mga bodyguard sila kapag lumabas pero kailangan daw iyon ng kaniyang dating nobyo.
“But he’s so humble. Like sometimes he runs away from the bantay kasi he wants his privacy also and freedom. And he’s very cool,” patuloy ng aktres.
Nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa naturang karanasan na magkaroon ng nobyo na anak ng prinsipe, “You just can’t love somebody that much. Kasi parang we had this really deep connection, and he set the standards so high, natutunan ko tuloy ang hirap na mag-boyfriend ngayon.”
Sinabi rin ni Arci first ultimate love niya ang dating nobyo.
“But I’m so happy for him. If I see him, which has never happened yet, I wanna tell him how happy I am for him ‘cause, you know, our relationship, kahit na we didn’t end up together, you know, I admit na talagang it’s solid,” sabi ni Arci.
Ayon pa kay Arci, tatlo o apat na taon na ang nakararaan nang huli siyang magkaroon ng seryosong karelasyon.
Mapapanood si Arci sa upcoming movie na “Sinagtala” na ipalalabas sa mga sinehan sa April 2. Kasama niya rito sina Glaiza De Castro, Rhian Ramos, Arci Muñoz, Rayver Cruz, at Matt Lozano.— FRJ, GMA Integrated News