Dahil tuloy na tuloy pa rin ang Pasko kahit may COVID-19 pandemic, naghahanda na ang mga Santa Claus kung papaano mag-iingat sa ilalim ng new normal sa London, England.

Sa ulat ng Reuters, sinabing kasama sa pagsasanay sa mga trainee na ibinibigay ng isang Santa school ay ang safety lesson tungkol sa COVID-19.

Sa training session, naka-face shield at face mask ang mga Santa.

Itinuro din ang physical distance sa mga babatiin at contact-free gift giving.

 

 

"We have to be a bit distant from the children and also the grown ups too," anang isang Santa. "Don't forget they're there as well. But the fun and the joy and the love and the magic will never change - has never changed and will never change."

Ayon sa entertainment company na Ministry of Fun, noong 2019 ay nakakuha sila ng mahigit 1,000 bookings.

Pero ngayong taon, aminado si James Lovell, director ng Ministry of Fun, na tila hindi pa sigurado ang mga tao kung ano ang gagawin.

"People aren't entirely sure about what they can do. And I'm hoping that what we're doing here today at Santa School is showing people what they can do and that they can do it magically," pahayag niya. --Reuters/FRJ, GMA News