May pagkakataong makita sa Pilipinas sa susunod na linggo ang nakamamanghang Comet Neowise.  Hindi ito dapat palampasin dahil muling masisilayan ang kometa pagkaraan ng 7,000 taon pa.

Sa ulat ni GMA's resident meteorologist Nathaniel "Mang Tani" Cruz sa "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing nakikita ngayon ang naturang kometa sa iba't ibang panig ng mundo tulad ng Japan, France, Canada at Amerika.

Pero sa susunod na linggo, kahit wala umanong gamit na telescope, maaaring makita ang kometa sa Pilipinas.

Dahil napakalawak umano ng orbit ng kometa, tatagal pa ng 7,000 bago ito masisilayan sa mundo. --FRJ, GMA News