Isang may-ari ng pub sa Cornwall, England ang naglagay ng electric fence sa kaniyang establisyimento para maipatupad ang social distancing sa kanilang mga kostumer.

"I've installed an electric fence to keep the customers back from the bar. Social distancing," kuwento ng landlord na si Jonny McFadden, may-ari ng "The Star Inn," sa ulat ng Reuters.

Ginawa raw ito ni McFadden para tulungang maipatupad ang patakaran ng kanilang gobyerno sa pagpapatupad ng social distancing para pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

"I run a very small bar. Everybody is accustomed to sitting at the bar, pushing at the bar. They can't do that now. Things have changed," saad niya.

 

 

"As long as there's a warning sign on an electric fence and you are warned about it, it's totally legal. And there's the fear factor- it works," sabi pa ni McFadden.

Gayunman, may inamin din sa dulo ng panayam si McFadden tungkol sa kaniyang electric fence.

"There is a serious point to it. We've all got to keep social distancing and... it's not switched on," nakangiti niyang sabi.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News