Dahil sa perwisyong dulot ng COVID-19, nakansela ang nakatakdang Olympic games na gaganapin sana sa Japan. Kaya ang isang Japanese fencer na hindi masyadong nakaririwasa sa buhay, pinili na munang magtrabaho bilang food deliveryman.
Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ng top Japanese fencer na si Ryo Miyake, na bukod sa kikita siya sa pagiging food deliveryman, makatutulong din umano ang kaniyang trabaho para maalagaan ang kaniyang pangangatawan.
"I started this for two reasons -- to save money for travelling (to future competitions) and to keep myself in physical shape," sabi ng 29-anyos na si Miyake, na nanalo ng silver medal sa team foil noong 2012 London Olympics.
"I see how much I am earning on the phone, but the number is not just money for me. It's a score to keep me going," patuloy niya bilang UberEats deliveryman sa Tokyo.
Inilalarawan ng Japanese media si Miyake na isang mahirap na atleta.
Dahil sa panganib ng COVID-19, hindi pa tiyak kung kailan muli magsasanay ang mga manlalaro.
"I don't know when I can resume training or when the next tournament will take place. I don't even know if I can keep up my mental condition or motivation for another year," sabi ni Miyake.
"No one knows how the qualification process will go. Pretending everything is OK for the competition is simply irresponsible," saad pa niya.
Sa ngayon, sinabi ni Miyake na masaya siya sa kaniyang trabaho.
"When I get orders in the hilly Akasaka, Roppongi district, it becomes good training," nakangiti niyang pahayag.
Matapos kanselahan ang Olympic ngayon taon, itinakda ng International Olympics Committee ang bagong petsa ng kompetisyon sa July 23, 2021.--AFP/FRJ, GMA News