Dati raw maganda at makinis ang mukha ni Michelle. Ngunit nang mahumaling siyang magpaturok ng silicon oil sa iba't ibang parte ng mukha, hindi niya lubos akalain na mamamaga ito balang-araw, at lalaylay.

Pero sa kabila ng nangyari, walang balak si Michelle na habulin at papanagutin ang nagturok sa kaniya ng mga silicon dahil ginusto niya rin naman daw ang nangyari. Ang tanging nais niya na lang ngayon, maibalik sa dati ang kaniyang mukha.

Mangyari kaya ito? Panoorin sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News