Laking gulat ng isang magsasaka sa Sultan Kudarat nang magsilang ang kaniyang alagang kambing ng animo'y kahating-baboy at kalahating-tao.

 


Pahayag ng may-ari ng kambing na si Josephine Repique, 40, nasimulang mag-labor ang kaniyang alaga noong ika-2 pa ng Nobyembre.

Dahil sa hindi pa rin ito mapaanak, idinaan na sa cesarean section—at ayon sa ulat ng Reuters, napasigaw sa takot ang mga nanunuod nang makita ang isang anak ng kambing na iba ang hitsura.

Pahayag ni Repique sa Reuters, the kids ''looked like a pig, with a mix of human.''

Wala umanong bahalibo ang hayop at may pusod na parang sa tao.

Dagdag ni Repique sa panayam ng Reuters, ''We were shocked. We can't explain how it look like that way. All our neighbors flocked to our house to get a good look.''

Sa kasamaang-palad, namatay ang kakaibang kambing, pati ang kapatid niyang normal ang hitsura, pati na rin ang kanilang ina.

Napuno naman umano ng takot ang mga residente na nakakita sa kambing dahil sa pangamba na may dalang sumpa ito na ''mutant devil'' at magdulot ng kapahamakan.

Dagdag ng may-ari: ''Nobody knows what it is, but it's not a goat. It's scary. We're all wondering why it happened and if it is bad luck.''

Pero paliwanag ni Dr. Agapita Salces ng Institute of Animal Science ng University of the Philippines, ang fetus ng kambing ay mukhang nagkaroon ng "genetic mutation" sa loob ng tiyan.

Dagdag ni Salces sa panayam ng Reuters: ''It is a possible case of genetic mutation. It is also possible that the mother contracted a disease called Rift Valley fever from mosquito bites and this caused the impaired development of the infants." —LBG/FRJ, GMA News