Kabilang ang alagang pusa ni Vina na si "Ming-ming" sa mga pusa na umano'y naglalahong parang bula sa Binangonan, Rizal. Ang pinaghihinalaan na nasa likod nito, ang isa umanong katayan na nag-viral kamakailan ang mga larawan na makikita ang mga patay na pusa. Ano nga ba ang ginagawa sa naturang mga hayop?

Dahil nagiging pangkaraniwan na raw sa Binangonan ang pagkawala ng mga pusa, ang ibang may alaga, nilalagyan ng palatandaan gaya ng collar tag ang kanilang pusa para malaman ng kukuha kung sino ang may-ari.

Sumama ang "KMJS" nang puntahan ng Agricultural at Veterinary Office ng Binangonan ang bahay na itinuturo kung saan nakita umano sa mga viral photo ang mga patay na pusa.

Ano kaya ang paliwanag ng may-ari ng bahay sa mga alegasyon laban sa kanila at ano nga ba ang ginagawa sa mga pusa? Alamin sa ginawang pagtutukot na ito ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."

-- FRJ, GMA News