Hindi inakala ng isang ginang sa Australia na pinamugaran na pala ng mga bubuyog ang dingding sa loob ng kaniyang bahay.

 


Sa ulat ng Reuters, sinabing unang nakarinig ang ginang ng ugong ng mga bubuyog sa kaniyang bahay hanggang sa lumabas na ang mapakaraming bubuyog.

Dito na siya nagpasyang baklasin ang bahagi ng dingding na malapit sa bintana at tumambad sa kaniya ang malawak na honeycomb na nakadikit sa loob ng dingding.

Paunti-unti niyang inalis ang mga honeycomb na may apat na pulgada umano ang kapal at kinuha ang honey o pulot nito.

 


Hindi naman sinabi sa ulat kung ano ang nangyari sa mga nangapit-bahay na bubuyog. (Larawan mula sa Reuters TV)-- FRJ, GMA News