Naabot ng travel vlogger na si Kach Medina Umandap ang pangarap ng maraming namamasyal na mapuntahan ang lahat ng 195 na bansa sa mundo. Ngayon, may bago siyang nais makamit sa kaniyang hilig sa pagbiyahe.
Matapos na matatak sa kaniyang pasaporte ang lahat ng 195 na bansa na kaniyang napuntahan, nais naman ngayon ni Umandap libutin ang 82 lalawigan sa Pilipinas.
"I hope to travel every province in the Philippines and hoping to educate the younger ones na start young," sabi ni Kach sa ulat ni Raffy Tima sa GMA News Unang Balita nitong Miyerkules.
Umalis ng bansa si Kach noong 20-anyos siya para maging overseas Filipino worker.
Nagsimula ang hilig niyang maglibot sa iba't ibang bansa noong 2013 nang magsimula siyang mag-backpacking trips.
Kinalaunan, sinabi ni Kach na naging goal na niya na mabisita ang pitong kontinente.
"Sabi ko nga sa kanila sa vlog, why work from home if you could work from anywhere," ani Kach.
Ang bansang Kuwait ang una niyang napuntahan, at Sudan naman ang pinakahuli.
"They just opened the country, I got my clearance and then last week, I went to Sudan," ayon kay Kach.
Nagbigay din siya ng payo sa mga nais na libutin din ang iba't ibang bansa sa mundo.
"You need to start slower like small muna. You go to countries that are visa-free. Learn digital skills so you can work online and you can work anywhere you want," ayon kay Kach. —FRJ, GMA Integrated News