Sa Indonesia naman maghahatid ng kilig sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pamamagitan ng kanilang blockbuster movie na "Hello, Love, Again."
Simula sa Enero 17, mapapanood sa mga sinehan sa Indonesia ang highest-grossing Filipino film of all time.
Maaari itong mapanood sa mga sumusunod na sinehan sa Indonesia:
Jakarta
- CGV - Grand Indonesia
- CGV - Central Park
- CGV - Pacific Place
- CGV - Aeon Mall JGC|
- Cinepolis - Senayan Park
- Cinepolis - Pluit Village
- Cinepolis - Lippo Plaza Medan
Depok
- CGV - Depok Mall
Bogor
- CGV - Vivo Sentul Bogor
Tangerang
- CGV - Teras Kota
Bekasi
- CGV - Bekasi Cyber Park
Bandung
- CGV - Paris Van Java Bandung
Cirebon
- CSV - Graige City Mall
Yogyakarta
- CGV - JWALK Jogja
Solo
- CGV - Transmart Solo
Surabaya
- CGV - Marvell City Surabaya
Jember
- CGV - Roxy Square Jember
Batam
- CGV - Park Avenue
Palembang
- CGV - Social Market Palembang
Nitong nakaraang Nobyembre unang ipinalabas sa Pilipinas ang "Hello, Love, Again," at sumunod na rin sa iba't ibang bansa.
Gumawa ito ng kasaysayan bilang highest-grossing Filipino film of all time matapos tumabo sa takilya ng mahigit P1 bilyon.
Ang "Hello, Love, Again" na pagpapatuloy ng kuwento nina Joy at Ethan sa Canada, ay sequel sa 2019 blockbuster film na "Hello, Love, Goodbye," na nagsimula sa Hong Kong.—FRJ, GMA Integrated News