Sa halip na kagandahan, disgrasya ang sinapit ng tatlong magkakaibigan sa Agusan del Norte nang lumawlaw at namanas ang mga pisngi nang magpaturok ng kemikal sa kanilang mukha sa abot-kayang halaga.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, ikinuwento nina Alvina, Maui, at Nina kung papaano nauwi sa trahediya ang inaasam sana nilang kagandahan.

Dahil mahal at umaabot sa P20,000 hanggang P50,000 ang halaga ng pagpaparetoke ng mukha, sinunggaban nila ang pagkakataon nang may mag-alok sa kanila ng P500 na bawat turok sa mukha tulad ng dagdag na pisngi.

Ayon kay Alvina, sa araw na lang mismo ng pagturok na ginawa lang sa bahay nalaman niya na petroleum jelly pala ang ilalagay sa kaniyang mukha. At dahil maganda ang resulta sa simula, naingganyo na rin sumunod ang dalawa niyang kaibigan.

Pero pagkaraan lang ng anim na buwan, lumabas ang hindi kaa-ayang resulta sa kanilang mukha. Panoorin at matuto ng leksyon sa kanilang kuwento na tinutukan ng "Kapuso Mo, Jessica Soho:


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ/KVD, GMA News