Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para tumulong sa ibang tao na hindi mo naman kilala, at hindi mo rin naman kababayan?

Sa GMA program na "iJuander," itinampok ang kuwento ng British national na si Thomas Graham, isang journalist sa England at may maranyang buhay sa kanilang bayan pero iniwan niya ang lahat para magtungo sa Pilipinas at tumulong sa mga maralita.

Sa limang taon na niyang paninirahan sa Pilipinas, patuloy na hinahasa ni Thomas ang kaniyang pagsasalita ng Filipino. At sa kaniyang pakikisalamuha sa mga kapus-palad na Pinoy, marami na siyang natutunan at nagamit sa inspirasyon.

Isa na rito ang ginawa niyang libro na pinamagatan niyang, "The Genius of the Poor."

Pero bakit nga ba niya napiling manatili sa Pilipinas at paano nagsimula ang kaniyang hangarin na tumulong sa mga mahihirap? Panoorin ang kaniyang kahanga-hangang kuwento sa "iJuander":

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News