Si Julie Anne San Jose ang napiling ng calendar girl ng Ginebra para sa 2025. Proud boyfriend naman dito ang nobyo niyang si Rayver Cruz.
Mainit pa ring pinag-uusapan ng netizens ang calendar photos ni Julie Anne, na inilunsad nitong Miyerkoles.
"Happy and grateful to be a part of the Ginebra San Miguel family. It’s truly an honor to represent a brand that has collaborated with exceptional women throughout the years," ayon sa post sa Instragram ni Kapuso singer-actress na may panimulang caption na "Obra maestra."
Nagkomento naman dito si Rayver bilang suporta sa kasintahan, at inihayag na, "Isa kang obra maestra."
"Congrats my love, super proud of you," ayon pa sa binata.
Una rito, ni-repost ni Rayver sa IG Stories ang mga larawan ni Julie Anne sa pagiging calendar girl at inihayag ang buong suporta niya sa nobya.
"So proud of you," ani Rayver, na sinundan pa ng "Mismo!! I love you," na naka-tag ang nobya.
Nitong nakaraang Agosto, si Julie Anne ang naging muse ng Ginebra San Miguel sa PBA Opening Ceremony.
—FRJ, GMA Integrated News