Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, ikinuwento ni Sanya Lopez ang intimate scene nila ni Alden Richards sa Kapuso series na "Pulang Araw," na dalawang beses kinunan na "sobrang hot."
"'Yung una kasi no'n, 'yung original, nakadamit kami, Tito Boy," lahad ng aktres. "Tapos parang sinabi nila since nga po sa Netflix ito ilalabas naman, kumuha sila nung talagang 'yung topless. Topless kami pero may cover naman po kami because nag-go si Alden, go din naman po ako that time."
Ayon kay Sanya, nahihiya siya kay Alden kaya tinanong niya ang aktor kung may nagawa na ba itong eksena na katulad ng gagawin nila para maging komportable sila sa isa't isa.
"Medyo nakakakaba talaga 'yung—ang lamig talaga, hanggang ngayon nilalamig 'yung kamay ko, Tito Boy. Ganun siya ka-intense," natatawang sabi ni Sanya.
Ayon kay Sanya, iningatan siya ni Alden habang ginagawa nila ang eksena, at lagi siyang tinatanong kung Ok lang siya, na tinatanong din niya sa aktor.
"He's professional din at the same time. So pareho naman kami na kung ano 'yung kinakailangan sa work, gagawin namin, Tito Boy," pahayag ni Sanya.
Kasunod nito, tinanong ni Tito Boy si Sanya kung kumusta [na] humalik si Alden?
Hindi kaagad nakapagsalita si Sanya na tila nahihiyang sumagot pero nakangiti.
"OK si Alden Tito Boy. Tanungin po natin siya mamaya," natatawang sagot ni Sanya.
Ginagampanan nina Sanya at Alden sa "Pulang Araw" ang karakter ng magkasintahang sina Teresita at Eduardo. Kasama nila sa serye sina Barbie Forteza at David Licauco.
Aabangan sa pagpapatuloy ng "Pulang Lupa" ang pagiging palaban ng kanilang mga karakter.
—FRJ, GMA Integrated News