Ibinahagi ni Kris Aquino na na-clear na siya sa cancer pero nananatili pa rin ang peligro sa kaniyang kalusugan dahil sa kaniyang autoimmune conditions. May pahiwatig din siya sa tungkol sa kaniyang TV show.
Sa Instagram, inihayag ni Kris na sumalang siya sa PET (positron emission tomography) scan, para masuri kung may cancer siya partikular sa colon o bituka.
Aminado si Kris na ikinalungkot niya ito dahil pumanaw ang kaniyang ina na si dating pangulong Cory Aquino sa colon cancer, at nagkaroon din ng naturang sakit ang kanilang lola.
"I'm normally very brave. But I broke down in tears after my doctor left. My nurse and the SLMC nurse saw me and said they had never seen me so sad. My mom's oncologist had come in, and it felt surreal," pagbahagi niya.
Ikinuwento rin ni Kris ang pag-uusap nila ng anak niyang si Bimby sa kung ano ang mga posibleng mangyari.
"Ang hirap to see my 17-year-old doing his best to stay strong. He said, 'Mama until they do the biopsy let's trust God that you're cancer-free. Lola will make sure you'll get through this and if ever, mama it's early detection,'" ani Kris sa pag-uusap nila ng bunsong anak.
Pero sa kabila nito, nagawa raw ni Bimby na biruin siya.
"He even jokes: 'I don't think Tito Noy is excited to have a reunion with you this soon because he's enjoying the peace and quiet in heaven. You do know how you can talk nonstop?'" patuloy ni Kris.
Napawi naman ang pangamba ni Kris nang matanggap na ang magandang balita.
“Late afternoon when I was wide awake, Dr. Jonnel was smiling, he said—you are cancer free. Clear intestines. No visible sign of cancer,” pahayag ni Kris.
Muli niyang pinasalamatan ang mga nagdasal para sa kaniyang paggaling.
"Thank you. I know you've been praying but I didn't reveal what else specifically you were praying for. But God is listening even when we're not specific because He sees what's in our hearts," saad niya.
Gayunman, sinabi ni Kris na tatlo sa autoimmune conditions niya ang nananatiling "life-threatening."
"Puwedeng ma-damage my vital organs or my blood vessels, specifically my artery, connecting my lungs to my heart to the extent na I can die immediately from a stroke or aneurysm or cardiac arrest," pagbahagi ni Kris.
Sa kabila nito, nananatiling positibo si Kris at patuloy na lalaban para mabuhay.
"I promised myself bawal sumuko. I need a goal, something for all of us to look forward to. Tuloy ang laban. Para hindi kayo magsawang magdasal. Sabi n'yo, you miss watching me," ani Kris.
Idinagdag niya na may ginagawa siyang show kasama si Darla Sauler na maaaring ipalabas bago matapos ang 2024.
"Secret muna yung concept, but you will get to see my present day journey and as much as possible of the reality of Kris, Bimb, and my 'through the years' best friends (my extended family) and definitely my team of doctors who are now among my most trusted friends," ayon kay Kris.
Tungkol naman sa kaniyang lovelife, sabi ni Kris, "Apologies, but until my groom and I exchange vows, in that very small weddin. I’m choosing to keep my relationship private. Ibalato n’yo na sa kin 'yun. Invited naman kayong lahat if and when sa kasal."-- FRJ/GMA Integrated News