Nahulog sa nakabukas na trap door ng stage sa gitna ng kaniyang concert si Olivia Rodrigo sa Melbourne, Australia.

Sa Chika Minute report sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing nag-aalala ang fans ni Olivia para sa kaniya dahil sa nangyari.

Kaagad namang nakaakyat si Olivia at sinabing "I'm Ok!."

Ipinagpatuloy din niya ang pagtatanghal na bahagi ng kaniyang Guts Tour na isinagawa rin sa Pilipinas nitong nakaraang linggo. -- FRJ, GMA Integrated News