Humingi ng paumanhin si Arnel Pineda, ang Pinoy lead vocalist ng American band na "Journey," sa hindi niya naging magandang performance sa Rock in Rio Music Festival sa Rio de Janeiro, Brazil.
Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, sinimulan ni Arnel ang kaniyang mensahe sa pamamagitan ng pasasalamat sa mga taong sumusuporta sa kanilang banda.
“This year I appreciate [you all], and not only that, everytime that I’m on stage with the band, I feel this immense gratitude, humility and honor,” saad ni Arnel.
Kasabay nito ang pagtugon niya sa hindi niya magandang performance sa Brazil concert, at siya pa mismo ang naglagay ng link ng tugtugin sa "Behind the Songs" page, at inihayag na, “no one more than me in this world feels so devastated about this.”
Sa video na kuha noong September 21, makikita na hirap si Arnel na maabot ang mataas na tono sa kanilang hit song na “Don’t Stop Believin."
“It’s really amazing how one thousand right things you have done will be forgotten just cause of this and of all the places, it's in Rock In Rio,” saad ni Arnel.
Ayon kay Arnel, “I suffered emotionally and mentally” at tinanong ang fans kung dapat pa ba siyang manatili sa banda o hindi na.
“I am offering you a chance now (lalo na ang mga galit sa kaniya) to simply text GO or STAY right here,” lahad ng Pinoy singer. “And if GO reaches 1 million. I’m stepping out for good. Are you game folks? Let’s start.”
Sa huli, nagpasalamat si Arnel sa fans at mga kaibigan na na “naniwala" sa kaniya simula sa umpisa.
Taong 2007 nang maging lead singer ng Journey si Arnel makaraang umalis ang dating lead vocalist ng banda na si Jeff Soto. — FRJ, GMA Integrated News