Sinabi ni Maria Ozawa na maraming tao ang iniwan siya nang pasukin niya ang mundo ng paggawa ng mga adult movies na nagsimula noong 19-anyos lang siya.
Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkules, sinabi ni Maria na may mga hindi magagandang sinasabi tungkol sa kaniya, at naapektuhan din samahan nila sa pamilya.
"They would say things," ani Maria. "But the friends that I'm with right now, we've been together forever."
"Family-wise, [it was] really, really messy," dagdag ng aktres, na kabilang sa Kapuso series na "Pulang Araw."
Sa kabila ng mga nangyari sa kaniyang pamilya, sinabi ni Maria na nauunawaan niya ang kaniyang mga magulang.
"Of course, they're a parent, I'm a girl. Of course, they will go against it. But when I left the house, I just told them that I'm gonna come back bigger, better. And I just want them to wait, and I said I'm sorry. But then afterwards, I never went back," kuwento niya.
Ngayon, sinabi ni Maria na maayos na ang kaniyang pamilya.
"There's a lot to work [on], but it's getting better, I guess. I've invited them to the Philippines a couple of times," pagbahagi niya.
Itinigil na rin ni Maria ang paggawa ng mga adult video.
"I wanted to quit the industry while they still know about me or when they're still talking about me. 'Cause how am I supposed to prove anything if I'm not famous anymore?" paliwanag niya.
Taong 2014 nang bumisita si Maria sa Pilipinas matapos imbitahan ng isang kaibigang Pilipino, na naunang nagpunta sa Japan.
Ginagampanan ni Maria sa "Pulang Araw" role bilang si Haruka Tanaka, ang ina ni Hiroshi Tanaka, na ginagampanan ni David Licauco.
Napapanood ang "Pulang Araw" gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng GMA News "24 Oras." Napapanood din ito sa Netflix. —FRJ, GMA Integrated News