Humingi ng paumanhin ang kompanya ng sleep supplement na Wellspring dahil sa pakulo na pinalitan ng "Gil Tulog" ang pangalan ng Gil Puyat Avenue sa Makati. Ang pamilya Puyat, naghain ng reklamo sa advertising council laban sa ad agency na nasa likod ng naturang "gimik."
“It was never our intention to offend anyone in our marketing execution, which used wordplay to draw attention to the importance of sleep and how it contributes to one’s overall health,” ng ad agency na Wellspring sa inilabas nilang pahayag nitong Biyernes.
“We deeply apologize to the family of the late Sen. Gil Puyat for the harm and offense that the campaign has caused them. Rest assured that there was no intent to besmirch and disrespect his legacy,” patuloy nito.
Humingi rin ng paumanhin ang kompanya kay Makati City Mayor Abby Binay, na siyang nagpatanggal ang mga signages na "Gil Tulog."
''As we learn from this experience, Wellspring is committed to [practicing] better sensitivity in our campaigns moving forward,'' sabi pa ng Wellspring.
Ayon sa alkalde, hindi niya alam ang tungkol sa naturang ad campaign na inaprubahan ng isa nilang opisyal, na kaniya nang pinagsabihan.
Kung ipinaalam daw sa kaniya ang naturang pakulo, sinabi ni Binay na hindi niya ito papayagan.
Una rito, binatikos ni Erika Puyat Lontok, apo ng namayapang si Senate president Gil Puyat, ang naturang advertising campaign, na paninira umano sa pangalan ng kaniyang lolo.
“Besmirching my late great grandfather’s name to sell freaking melatonin is so disrespectful!'' sabi ni Puyat- Lontok sa Facebook post.
Nito ring Biyernes, naghain ng reklamo ang pamilya Puyat sa Ad Standards Council laban sa Gigil Advertising Agency na nasa likod umano ng "Gil Tulog" marketing campaign.
Sa reklamo, isinaad ni Victor Puyat, anak ng namayapang Senate President, na nilabag umao ng Gigil agency ang kanilang Code of Ethics na, “advertisements shall not directly or indirectly disparage, ridicule, criticize, or attack any natural or juridical person.”
“We want Gigil Advertising Agency to be suspended or banned from your council. They have made several ads, when they have been suspended in the past,” ayon sa reklamo.
“We hope Gigil will be given due sanction for disregarding your Code of Ethics and Standards,” dagdag nito.
Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang Gigi agency tungkol dito.
Si Gil Puyat ay nahalal na senador noong 1951 at naging Senate president mula 1967 hanggang 1972.
Pumanaw siya noong March 1980 sa edad na 72. —FRJ, GMA Integrated News