Inilahad ni Nadia Montenegro na nagkaroon sila ng closure at nagkapatawaran ng kaniyang asawa na si Boy Asistio, bago pumanaw ang huli sa edad 80 noong 2017. Ayon kay Nadia, 17-anyos lang siya nang ma-in love sa dating alkalde ng Caloocan City.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, tinanong ni Tito Boy si Nadia kung ano ang kaniyang mga pagsisisi at naging blessing sa showbiz.

"Maybe I would have gotten married. Maybe I would have... I really don't know. Kasi ang iniisip ko Tito Boy, baka kung sumama ako sa kaedad ko, baka wala na kami after one year," sabi niya.

"Hindi ko talaga masasabi. Marami rin namang kasabay si Boy na nanliligaw sa akin noon. May choices naman ako, pero hindi talaga. Talagang sa kaniya ako napunta, so that's fate," dagdag ni Nadia.

Pagdating naman sa maituturing niyang blessing, "Meeting him and having all my children now."

Edad 17 daw siya noon nang ma-in love siya kay Boy, na dating alkalde ng Caloocan City.
 
"Persistent, very... Chivalry, he's charming, alam mo na. And at that time, honestly alam ko isa lang 'yung kasama niya at wala na sila noon," paglilinaw ng aktres.

"Wala na sila noon nu'ng kasama niya, so wala na siyang kasama. Not knowing after, meron pa pala," natatawa niyang pag-alala.

Sa kabila nito, nagdesisyon si Nadia na ituloy ang relasyon niya kay Boy.

"Pinanindigan ko na, Tito Boy," sabi niya. "I never gave up on him."

Paglalahad ni Nadia, nagkaroon sila ng closure ng kaniyang asawa dalawang linggo bago ito pumanaw.

"Every January I do a prayer fast wherein I stay in my room for a few days. I apologized to everyone I have wronged for that year, or start the year right. And when I did that to him, I texted him, I said I'm sorry for all the mistakes I have done to you. Sabi niya 'Ako nga itong maraming kasalanan sa 'yo,'" ayon kay Nadia.

Maysakit na noon si Boy nang yayain nito si Nadia na personal silang magkausap.

"When I went down to his room, that's when we started talking. We've had a two and a half hour talk that we never had for 29 years. It was one of the most amazing moment that I will thank God for because of the closure, the forgiveness, the laughter of all the things we did to each other," sabi niya.

"Noong mga time na hinuhuli ko siya dati, hindi siya umamin, umamin na rin, alam mo 'yung ganu'n. Not knowing he was gonna pass," patuloy ng aktres.

Binalikan ni Nadia kung bakit siya na-in love sa kaniyang asawa.

"His heart Tito Boy. They can say na naging babaero siya, call him all these nasty names kasi niligawan niya 'yung bata. This is what is painful with this world, hindi nila nakilala 'yung taong 'yon," sabi ni Nadia.

"And until this day Tito Boy, for seven years that he's been dead, everyday I wake up, ang iniisip ko pa rin, ano kaya ang sasabihin ni Boy sa akin sa mga ganitong sitwasyon?," dagdag niya.

Naging usap-usapan nitong mga nakaraang buwan ang pagkakaroon ni Nadia ng anak sa ibang lalaki maliban kay Boy. Sa parehong panayam, kinumpirma ni Nadia na si Baron Geisler ang ama ng bunso niyang anak.

"He would always be fair. He would always do everything na walang masasaktan, walang malalamangan," saad ni Nadia.

Nang hingan si Nadia ng mensahe para sa yumaong asawa, sabi ng aktres: "Salamat, salamat. Kasi I couldn't see myself with anyone else. Salamat sa pagtanggap sa akin kahit may mga pagkakamali ako. Kasi ang sagot naman niya sa akin, 'Ilang beses mo rin ako pinatawad.' So blessed ako na siya naging partner ko. Kung hindi siya mabuting tao, hindi siguro ang mga anak ko na we have the heart to serve, we have the heart to love, to give, to share. It's all from Boy." -- FRJ, GMA Integrated News