Inilahad ni Nadia Montenegro na "open secret" ang pagkakaroon niya ng anak kay Baron Geisler, na magiging 18-anyos na ngayon. At hindi umano nakaligtas sa pambu-bully ang kaniyang anak.
Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Nadia kung bakit niya inilayo kay Baron ang kanilang anak.
Kabilang sa mga binanggit niyang dahilan ang hindi pagtupad umano ng aktor sa pangako na makikipagkita sa anak, at ang pagpapadala nito noon ng mga "drunk" messages.
Hindi rin nagustuhan ni Nadia ang muling pagbuhay sa usapin tungkol sa kanilang anak, na sinabi niyang dahil umano sa mga "masasamang elemento."
Ayon sa aktres, labis na naapektuhan ang kaniyang anak, at nakaranas ng pambu-bully.
"School, friends, She was bullied. Someone all of a sudden just posted on the student council page a picture of Baron in jail. 'Kaninong tatay ito?,'" sabi ni Nadia.
Iginiit ni Nadia na hindi na niya kailangang pang ilahad ang lahat ng kanilang pinagdaanan.
"Tito Boy kailangan ko pa bang ikuwento kung ano ang pinagdaanan namin just to keep our peace? This is my life. This is my children's lives. This is my story Tito Boy, no one has the right to tell my story," pahayag niya.
Inaako ni Nadia ang nagawa niyang pagkakamali, kung maituturing mang pagkakamali pero iginiit niya siya rin dapat ang umamin at magtama nito.
"My mistakes? I've always owed my mistakes Tito Boy, but let me say kung ano ang pagkakamali ko, hindi ikaw, hindi ko kailangan ng spokesperson," giit niya.
"I've always faced my battles Tito Boy. I've always fought them head on. Why? 'Cause I pray. I do things not because I want to hurt people. I do things Tito Boy now, because I want people to learn from my mistakes," pagpapatuloy niya.
Sa naturang panayam, sinabi ni Nadia na layunin niyang tapusin na ang usapin na ito, at hindi na rin maabala pa ang kaniyang anak.
"Hindi ko ikinakalat ito para mag-entertain o para magpiyestahan niyo ang buhay ko o buhay ng anak ko. I want this to end," sabi ng aktres.
"Because Tito Boy, my daughter is turning 18 soon. And she does not need to come out of this world and answer questions for her mother. So I'm putting an end to this now," patuloy ni Nadia. "So yes, I'm happy. I have a child named Sophia. And she does not need anything else in this world because she is complete."
Sa naturang panayam, muling kinumpirma ni Nadia na si Baron ang tunay na tatay ng kaniyang anak.
"I've already admitted that. Yes," ani Nadia. "Sophia is turning 18 in August. And that's why I'm here, it's not for views, not to trend, because that's one thing I hate. But to put an exclamation for everything."
Ayon kay Nadia, may isang tao, na hindi niya na pinangalanan, na nagsiwalat noon tungkol sa pagkakaroon ng anak sa ibang lalaki, na para sa kaniya ay walang karapatang gawin ito.
"Tito Boy, 17 years ago may isiniwalat ang isang tao tungkol sa buhay ko na I don't think naman anybody has the right. Kasi noong time na 'yun, inaayos ko lahat. Hindi man lang kinonsider [na] 17 years ago, kung ano ang pinagdadaanan ko, ng mga anak ko, kung ano ang puwedeng mawala sa akin," hinanakit niya.
"This is my mistake. Kung nagkamali man ako... I don't want to even call ito a mistake. Sophia is one of the most beautiful girl you can ever meet. Not just sa mukha niya, pati puso niya," dagdag pa ni Nadia. "This child has been through so much that she does not deserve." -- FRJ, GMA Integrated News