Bukod sa mainit na labanan ng mga professional volleyball player sa pagsagot sa mga tanong sa GMA show na "Family Feud Philippines," may nagpasaya at nagpakilig din sa mga manonood at netizens sa episode na ito dahil kay Deanna Wong. Panoorin kung bakit.

Sa naturang episode ng Family Feud na host si Dingdong Dantes, nagpasiklaban ang Cool Smashers at Flying Titans na pinamumunuan nina Alyssa Valdez at Deanna Wong, team captain sa team ng players.

Naging dikit ang laban ng dalawang team kung saan nakauna sa puntos ang team ni Alyssa at humabol naman ang team ni Deanna.

Pero sa huli, namayagpag ang team ni Alyssa na silang naglaro at nanalo rin sa jackpot o fast money round na nagkakahalaga ng P200,000.

Sa Youtube, mahigit 800,000 na ang views ng naturang episode bukod pa sa pagiging viral o trending nito sa social media na makikita ang kilig moment ni Deanna. Tunghayan ang buong episode hanggang huli. -- FRJ, GMA Integrated News