Napasugod ang mga awtoridad at anti-bomb disposal team sa bahay ng isang matandang babae sa Hubei, China nang mag-report ang isang trabahador na may nakitang lumang uri ng granada, na ginagamit na pamukpok at pandurok ng paminta ng nakatira.
Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, makikita na maingat na kinuha ng mga awtoridad ang naturang granada o pampasabog na may hawakan na kahoy.
Ide-demolish na sana ang bahagi ng bahay ng 90-anyos na babae na nakatira rito nang makita at matukoy ng isang trabahador ang kakaibang bagay na sumasabog.
Paliwanag ng matanda, 20 na ang nakararaan nang makita niya ang naturang bagay na may hawakan at metal sa kaniyang bakuran na ginagamit niya pamalit sa martilyo at pagdikdik sa paminta.
Wala raw siyang kamay-malay na granada ito na maaaring sumabog.
Ayon sa mga awtoridad, intact pa ang granada at nakalabas na ang bahagi ng fuse nito.
Masuwerte na hindi ito sumabog kapag ginagamit na pamukpok ng matanda.
Para hindi nakadisgrasya, kinumpirma ang granada at pinasabog.--FRJ, GMA Integrated News