Isang driver ng multipurpose vehicle (MPV) ang nasawi matapos barilin ng suspek na sakay ng itim na Mercedes Benz bago sumapit sa south bound ng EDSA Ayala Tunnel nitong Martes ng hapon.
Sa ulat ni Christian Maño ng Super Radyo, sinabing nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang insidente nang isara ang tunnel ng ilang oras habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.
Nangyari ang pamamaril dakong 2:00 p.m. at muling binuksan sa mga motorista ang tunnel pagkaraan ng dalawang oras.
Tinatayang nasa edad 45-50 ang nasawing driver na nakabangga rin ng ilang rider matapos mawalan na siya ng kontrol sa sasakyan.
Nakatakas ang salarin at tinutugis na siya ng mga awtoridad matapos makuha na ang plaka ng sasakyan.
???????????????????? ????????????????????????: Isa, patay sa insidente ng pamamaril sa EDSA Ayala tunnel; suspek na nakasakay sa isang sedan, nakatakas; hot pursuit operation ng Makati PNP para mahanap ng suspek, nagpapatuloy. | via @xtian_mano pic.twitter.com/RWBLLJesER
— DZBB Super Radyo (@dzbb) May 28, 2024
Samantala, ilang rider naman ang sumaklolo sa kasama ng biktima sa loob ng sasakyan na isang babae at isang bata.
Kuwento ng mga rider, sinabi ng babae na hindi lang umano sila nagkabigayan sa daan ng sasakyan na bumaril sa kanila.
Bago sila pumailalim, nagpaputok ang salarin na dumaan paibabaw, batay umano sa pahayag ng babae.
Sa video, makikita na may tama ng bala sa kanang bahagi ng huling bintana ng MPV, ganoon din sa bintana na malapit sa nasawing driver.
Ayon kay Police Colonel Edward Cutiyog, ng Makati-PNP, inalerto na ang pulisya sa iba't ibang lugar para mahuli ang suspek na sakay ng itim na Mercedes Benz.
Batay sa paunang imbestigasyon, galing sa Bonifacio Global City ang biktima nang makagitgitan ang Mercedes Benz sa bahagi ng Kalayaan, EDSA hanggang sa makaabot sa bahagi ng tunnel sa Ayala.
"From there nagpaputok ang mga tao na nakasakay sa itim na Mercedes Benz, natamaan ang likod, right side ng Innova white (ng biktima) at sa kasamaang palad tinamaan ang likod niya at yun po ang sanhi ng kaniyang pagkamatay," ayon kay Cutiyog.
Makati PNP, inalerto na ang pulisya sa ibat ibang lugar para mahuli ang suspek sa shooting incident sa EDSA-Ayala na sakay ng isang mamahaling kotse; pulisya, nakikipag-ugnayan na rin sa LTO para sa pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyan -PCol. Edward Cutiyog, Makati PNP | @dzbb https://t.co/7IVcrRKu1y pic.twitter.com/aTL6BlFrR7
— Christian Maño (@xtian_mano) May 28, 2024
-- FRJ, GMA Integrated News