Ngayong matindi ang init ng panahon, ano kaya ang mas gugustuhin ng mga tao na isakripisyo: ang mawalan ng tubig o mawalan ng kuryente?
Dahil kulang ang ulan sa maraming bahagi ng bansa, may mga lugar na kinakapos na sa tubig. Kasabay nito, dahil sa lakas ng konsumo sa kuryente, ilang planta rin ang nagkakaaberya.
Sa "Ala Eh," ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, ilang tao ang tinanong kung ano ang mas pipiliin nila: ang walang kuryente o walang tubig?
Alamin ang kanilang pinili at kung bakit. Kayo, ano ang pipiliin niyo? Panoorin ang video.-- FRJ, GMA Integrated News