Sa pagpasok ng 2024, may bagong bihis at mga bagong segment ang noontime show na "Eat Bulaga" na dapat abangan ng mga manonood.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas, sinabing nagpapasalamat ang Eat Bulaga hosts sa pagtangkilik ng mga Kapuso sa kanilang programa sa mahigit kalahating taon.
Itinuturing na busy yet fruitful ng mga host ng noontime show ang 2024, at baon nila ang kanilang mga natutunan noong 2023.
"For me malaking blessing ang 2023, work was very good... Of course I'm very hopeful about everything sa 2024. Marami tayong gustong gawin on a personal level, siyempre isa isa lahat 'yan, hindi lang career. Hindi puwedeng dire-diretso ang career mo at mapapabayaan ang personal mo," sabi ni Paolo Contis.
"2023 mas natutunan kong mabuhay nang sarili ko lang, na mag-isa na dadalhin ko sa 2024 na kaya ko na, alam mo 'yun, 'yung maturity din," sabi ni Yasser Marta.
Bagama't naging hamon ang nagdaang taon, mas pipiliin ng hosts ngayong 2024 ang magmahal sa pamilya at sa sarili.
"I'm super happy because we got to spend New Years with our family kasi grabe 2023 was the year that we rarely got to see our parents kasi nga we all had work," sabi ni Cassy Legaspi.
"Focus and pagmamahal din sa sarili. And of course just giving yourself more chances. Kasi minsan you’re too afraid to take certain chances once you let go of it, it never comes back," sabi ni Mavy Legaspi.
Inanunsyo rin ng hosts na may bagong bihis ang Eat Bulaga ngayong Bagong Taon.
"'Yung mga bagong segment na makikita nila is televiewer-centric. Lagi kayong kasali kapag kami ang bumubuo ng konsepto para makapaghatid ng tulong at saya ang Eat Bulaga GMA 7 Kapuso araw-araw," sabi ni Isko Moreno. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News