Pumanaw na sa edad na 54 ang Hollywood actor na si Matthew Perry, na kilala sa kaniyang role na si Chandler Bing sa '90s sitcom na "Friends."
Ayon sa ulat ng TMZ, natagpuan ang aktor na "nalunod" sa jacuzzi ng kaniyang bahay sa Los Angeles, California nitong Sabado.
"Our sources say [first responders] rushed over on a call for cardiac arrest," sabi sa ulat ng TMZ.
Inihayag din ng sources ng TMZ na walang nakitang "drugs" sa pinangyarihan ng insidente.
"We're also told there is no foul play involved," dagdag nito.
Nag-post naman ng pagdadalamhati sa official social media account ng TV show Friends sa pagpanaw ni Matthew.
"We are devastated to learn of Matthew Perry’s passing," saad nito. "He was a true gift to us all. Our heart goes out to his family, loved ones, and all of his fans.
Kabilang si Matthew sa cast ng "Friends" na ipinalabas noong 1994 na tumakbo ng 10 seasons na tuloy-tuloy. Taong 2004 nang ipalabas ang finale nito na pinanood ng nasa 52 milyong Americans.
Kasama rin sa sitcom sina Matt LeBlanc, David Schwimmer, Courtney Cox, Lisa Kudrow, at Jennifer Aniston, na pawang nagdadalamhati rin sa pagkawala ng kanilang kaibigan.
"What a loss," saad sa Instagram post ni Maggie Wheeler, na gumanap na on-and-off girlfriend niyang si Janice sa sitcom. "The world will miss you[,] Mathew Perry."
"The joy you brought to so many in your [too-short] lifetime will live on," dagdag pa niya. "I feel so very blessed by every creative moment we shared." — FRJ, GMA Integrated News