Inanunsyo ng ABS-CBN ang pinakabago nitong game variety show na “It’s Your Lucky Day” na pansamantalang papalit sa “It’s Showtime.”

Pangungunahan ito ni Luis Manzano, kasama sina Robi Domingo, Jennica Garcia, at Melai Cantiveros. Makakasama rin nila ang iba pang special co-hosts at celebrity guests.

Mula sa bumubuo ng “It’s Showtime,” ang “It’s Your Lucky Day” ay magtatampok ng bagong game at variety segments na mapapanood tuwing tanghali mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 27, Lunes hanggang Sabado.

Mapapanood ito sa iba't ibang TV channels kabilang ang GTV, at sa mga social media platform.

Inaanyayahan namin ang mga manonood na patuluyin ang suwerte sa kanilang mga tahanan at makisaya kasama ang buong pamilya sa “It’s Your Lucky Day.” . --FRJ, GMA Integrated News