Inihayag ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. na "nabawi" na nila ang kontrol sa "Eat Bulaga" YouTube channel. Inihayag naman ng abogado ng TVJ Productions na gagawa sila ng legal na hakbang laban sa TAPE dahil dito.
Naging inactive ang naturang Youtube Channel ng Eat Bulaga mula nang kumalas sa TAPE Inc. sina Tito Sotto, Joey De Leon, Vic Sotto, at iba pang host nito noong Mayo.
Sa pahayag, tinawag ni Atty. Enrique Dela Cruz, abogado ng TVJ Production, na "disturbing" ang balita na dating walang access ang TAPE sa nasabing YT channel.
"The owner of the YouTube channel is the owner of the email used to register it. It is not TAPE. That is why they never had access to this account," ani Dela Cruz.
"This may constitute a cyber crime if they hacked into the account or made misrepresentations to YouTube," dagdag niya.
Sinabi pa ni Dela Cruz na ang laman o content sa channel ay mga dating episodes ng "Eat Bulaga" ang ang TVJ ang may-ari ng copyright at nagtrabaho rito.
Mariin namang itinanggi ng abogado ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham Garduque, ang hinack [hack] nila ang account at walang cybercrime na ginagawa ang kompanya.
"Being the owner of the account, TAPE was able to coordinate with YouTube to change the email and the password and the new contact person in behalf of the company," paliwanag niya.
Ayon pa sa TAPE, producer ng Eat Bulaga, ang tao na gumawa ng Yputube account ng programa ay empleyado nila, at ginawa ang account para sa kompanya.
"TAPE Inc. is ready to show the official receipts from YouTube stating that it is the one which spent to create the account. The bank account linked to the YouTube account is likewise owned by Tape Inc," sabi pa ni Garduque. —FRJ, GMA Integrated News