Pumanaw na nitong Linggo ang 21-anyos na content creator na si Sean Lester Beltran dahil sa kaniyang sakit na bone cancer.
Kinumpirma ni Leslie Beltran Fernandez sa post sa Facebook ang malungkot na balita tungkol sa kaniyang anak.
"With great sadness, we announce the loss of our beloved son, Sean Lester Beltran," saad ni mommy Leslie sa Facebook.
"[In] loving memory of my son, his life was a blessing, a treasure. The love you gave and the life you lived, will forever be remembered," dagdag niya. "You will always be in our [hearts] anak."
Taong 2021 nang ma-diagnosed na may stage 4 bone cancer si Sean.
Dahil sa naturang sakit, inalis ang kanang braso ni Sean.
Pero sa halip na malugmok, ginamit niya ang kaniyang pinagdadaanan upang magbigay ng inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng kaniyang mga video sa TikTok.—FRJ, GMA Integrated News