Ibinahagi ni Bea Alonzo na engaged na sila ng nobyong si Dominic Roque. Ayon sa Kapuso actress, parang tumigil ang kaniyang mundo nang sandaling iyon.
Sa social media post, makikita sa larawan na nakaluhod si Dominic habang nagpo-propose kay Bea.
Ayon kay Bea, naganap ang proposal noong Martes, July 18 sa Las Casas, para sa kaniyang "shoot."
Kuwento ng aktres, pinapatalikod siya ng photographer na si Mark Nicdao para umano sa anggulo ng kuha.
Bagaman nagtataka, sumunod umano ang aktres.
At nang humarap na siya, "I found Dom kneeling with a box in his hand."
"You see, I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing. I have been doing it all wrong!," masayang sabi ni Bea.
Nang magsalita na umano si Dom, sabi ni Bea, "It's like time stood still."
"Everything went in slow motion. And I felt different emotions all at the same time — joy, excitement, love. I started bawling," pagbahagi pa niya.
Sinabi pa ng aktres na tila ayaw niyang matapos ang sandaling iyon.
"I want this real thing to happen forever… and right then there… In front of the people we love… we decided on forever," pagtatapos ni Bea sa caption.— FRJ, GMA Integrated News