Masaya ang mga kapuwa celebrities ni LJ Reyes sa kaniyang engagement sa kaniyang non-showbiz fiancé na si Philip Evangelista.

Matapos ibahagi ni LJ sa Instagram post ang engagement nila ni Philip na nakabase sa New York, nagpahayag ng mga pagbati ang mga kapuwa celebrities ng Kapuso actress, na nakatira na ngayon sa US.

Saad ni Marian Rivera sa comment section, “Awwww #happiness,” na may kasamang white heart at prayer emojis.

“Maaaaars!!!! so so happy for you!!!! Kaya ka pala nananahimik dyan ah!!!!” sabi naman ni Camille Prats.

"WOAH!!!!!" komento ni Gary Valenciano. "Congratulations to you both!!!!”

Ayon naman kay Ryza Cenon, “www gf!!!!!!! Ang saya saya ko para sayo!”

Nagpahayag din si Sheena Halili ng labis na kasiyahan para kay LJ.

Sabi naman ni Melissa Ricks, “Amen!!! God truly [is] good! [He has] better plans for us [than] we have for ourselves!! [Congratulations LJ]!”

Ilan pa sa mga celebrity na bumati kay LJ ay sina Iza Calzado, Carla Abellana, Kaye Abad, Andrea Torres, Ina Feleo, Valeen Montenegro, Nadine Samonte, Joyce Ching, Gee Canlas, at marami pang iba.

Matatandaan na noong September 2021, inilahad ni LJ ang paghihiwalay nila ni Paolo Contis, na ama ng kaniyang anak na si Summer.

Matapos nito, nagpasya si LJ na manirahan na sa US kasama ang kaniyang mga anak.

Naging karelasyon din noon ni LJ ang aktor na si Paulo Avelino, at mayroon din silang isang anak na si Aki.


 

 

—FRJ, GMA Integrated News