Makaraang aminin ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na isa siyang bisexual, nagpahayag naman sa kaniya ng suporta ang kaniyang housemate at BFF na si Rhian Ramos.

Sa kaniyang Instagram stories, ibinahagi ni Rhian ang magazine cover ni Michelle Dee, kung saan niya ginawa ang pag-amin.

“We love who you are,” saad ni Rhian sa caption.

Dagdag pa ni Rhian na naka-tag si Michelle, “We love you, bb.”

Sa hiwalay na IG Story, nag-post si Rhian ng black and white selfie nila ni Michelle na may caption na, “You do you hunhun.”

Nitong nakaraang taon, inihayag ni Rhian ang paglipat niya ng bahay kasama si Michelle. Malapit lang umano ang naturang bahay sa tinitirhan ng isa pa nilang kaibigan na si Max Collin.

Nang lumaban si Michelle sa Miss Universe Philippines crown, makikita rin ang suporta sa kaniya nina Rhian, Max at influencer na si Janina Manipol.

READ: Rhian Ramos, may nakatutuwang paliwanag kung bakit 'di siya sumasali sa beauty pageant

Sa special issue ng Mega Magazine na inilabas nitong Lunes na cover si Michelle, sinabi niya na, “I definitely identify myself as bisexual. I’ve identified with that for as long as I can remember.”

— FRJ, GMA Integrated News