Pumirma na ng kontrata bilang Kapuso si Matteo Guidicelli. Inihalintulad ng aktor sa pag-ibig ang paghihintay sa pagpirma niya ng kontrata.
Ginawa ang contract signing ni Matteo nitong Huwebes sa SEDA Vertis North sa Quezon City.
"I'd like to express my sincerest gratitude to the whole Kapuso family for welcoming me this way. It feels incredible," ani Mateo.
Ayon pa sa aktor, "I know it's been a year. Pero parang pag-ibig lang 'yan 'di ba? Good things happen to those who wait, so maraming salamat."
"I'm very excited to embark [on] this new journey with GMA Public Affairs and to let the Filipino story shine and represent the Filipino people that we can altogether," dagdag ni Matteo.
Sa Biyernes, sasalang si Matteo sa "Fast Talk With Boy Abunda." —FRJ, GMA Integrated News