Napatunayan nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales na hindi kailangang gumastos nang mahal para maging masaya matapos nilang ipagdiwang ang kanilang monthsary sa isang karinderya sa Maynila.
Sa TikTok video, sinabi ni Rabiya na sa karinderya ni "Aling Tenyang" sa Espana, Manila sila kumain ni Jeric.
Ayon sa Miss Universe Philippines queen at “TicktoClock” host, halos “every month” umano sila nagpupunta ni Jeric sa nasabing kainan.
Lugaw ang inorder ni Rabiya, habang nag-pares naman si Jeric. Sinamahan din nila ng lumpia at tokwa’t baboy ang kanilang order.
“Guys, sobrang sarap ng carinderia dito," ani Rabiya. "Super sulit ng pera niyo. Kami, nagastos lang yata namin is P177. At kita niyo naman guys, busog na busog kami. Enjoy na enjoy kami sa pagkain.”
@rabiyamateo Simple moments can be memorable with the right one. Happy monthsary Baby @Jeric Gonzales . #monthsary #rabiyamateo #jericgonzales #comebackisreal ? Sunroof - Nicky Youre & dazy
Ayon pa kay Rabiya, “Totoo talaga yung sinasabi nila guys, na simple things can be special when you have the right person in your life,"
"Choose love!,” dagdag pa niya.
Makaraang magkaroon ng problema sa kanilang relasyon, sinabi ni Jeric na nagkabalikan sila ni Rabiya noong Valentine’s Day.
--FRJ, GMA Integrated News